Shoes were my frustrations. Sa isang tulad ko na nagmana ng kalakihan ng paa ng aking Papa, madalas ay nahihirapan akong bumili ng sapatos. Malimit na pag kailangan ko ng sapatos na gagamitin sa mga formal occasions at titingin ako sa ladies’ section sa mga mall, nakaka-kita lang ako ng gusto ko at hindi ko mabilibili. Sa huli ay napupunta ko sa mga pang-malalaking sizes. Di ba, may mga ginawa kasing sapatos o sandals na bagay lamang para sa mga maliliit na paa, ang pangit naman kung para sa malalaking paa, hindi ba? Salamat na lamang at may Parisians na may mga big sizes na available.:p
Madalas, pag bibili na ako ng sapatos ay naa-alala ko ang sabi ni mama, “Bumili ka ng sapatos kapag tanghali o hapon na. Mas malaki ang paa ng mga tao sa tanghali o hapon kasi maiinit.” Noong una ay hindi ko ma-connect ang sinasabi ni mama, mas malaki ang paa sa hapon?
Pero may punto naman pala siya, natutunan ko sa Chemistry teacher ko nung 3rd year na mas nag-eexpand ang paa kapag mainit. *cheers mama!=)
Minsan ko ring na-alala, may gustong-gusto akong sapatos noon, black leather shoes ng Rusty Lopez na pamasok sa eskwelahan, 4th year highschool na ako noon..
Sobrang gusto ko yung sapatos, pero tulad ng ibang istorya walang size na kasya sa akin, meron pero next week pa raw darating (na simula na ng pasukan). Halos iyakan ko si mama dahil gusto ko talaga nung sapatos na yun. Sa sobrang awa sa akin ni mama ay naghanap kami sa iba pang mga branch ng Rusty Lopez. Nabibigo na ko nun kaya sabi ko kay mama, ok na yun kahit masikip, gagamitan ko na lang ng manipis na medyas.
Sabi ni mama, “peb, matagal mong gagamitin yung sapatos nay un. Dalawa lang yan, Sasakit lang ang paa mo kung ipipilit mo yang isuot o masisira yung sapatos na gustong-gusto mo, masasayang lang.” Sa isip ko (monologue) “Hmp, maganda lang kasi ang paa mo mama, kaya kahit anong sapatos at sandals na gusto mo nabibili mo. Ang dami-dami mo nang sapatos sa bahay. Sana ipinamana mo na lang sa akin ang kagandahan ng paa mo para hindi na ko nahihirapan ng ganito.” (Tama, emotera na ako noon.)hehe
But wait there’s more. Konting araw pa ang lumipas at magpapa-sukan na. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni mama at niyaya niya akong mag-mall. Kinaladkad niya ko papuntang Rusty Lopez sa isang Mall sa bandang Ayala na yata iyon. OMG! Ang aking pinaka-aasam na sapatos ay nandoon at may size ko na. Ayun, umuwi kaming ako ang nagbitbit ng paper bag ng sapatos ko. Very childish.haha!=)
Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin yung sapatos, buo pa sya. Gusto ko mang ipamigay sa mga pinsan kong babae ay hindi naman kasya sa kanila, barko kasi yung sapatos. Kaya na sa akin pa rin sya.
May sapatos akong nakita at mag-iisang taon ko nang nagugustuhan. Pero hindi talaga magkasya.
Mama, sana masabi mo ulit sa akin ito, ”Dalawa lang yan, Sasakit lang ang paa mo kung ipipilit mo yang isuot o masisira yung sapatos na gustong-gusto mo, sayang naman.”
—-First published this blog last July 25, 2009 during my prime years of writing out of my young heart and tactless thoughts. The pair of shoes were left at our old abandoned house in Pulilan.
Three years after writing this cheesy masterpiece, I copy-pasted it here at the text box.. Then I stared at my feet. haha. i do have a pair of Big, unique feet..
And like entering into a relationship, (yes, ma-connect lang
) I can always waste my time staring at the parading godly men in front of me, i can always window shop and try fancy, elegant shoes. But thank you to my gracious God, He holds my heart and never let me “try to be in the relationships.”
Just like my Mama when she was still alive (and i was not yet Saved at that time)..
God is always there to remind me that there will only be a unique pair of “the shoes that fit.”




